^

PM Sports

Farm Fresh, Capital1 unahang bumangon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang magandang pagtatapos sa elimination round ang kapwa hangad ng Farm Fresh at Capital1 Solar Energy sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Magtutuos ang Foxies at Solar Spikers ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Cignal HD Spikers at Akari Chargers sa alas-4 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Magkasosyo sa lide­rato ang nagdedepensang Creamline at Petro Gazz sa magkatulad nilang 9-1 record kasunod ang Cignal (7-3), PLDT (7-3), Choco Mucho (7-3), Akari (5-5), Chery Tiggo (5-5), ZUS Coffee (4-6), Farm Fresh (4-6), Galeries (1-9), N­xled (1-9) at Capital 1 (1-9).

Nasa two-game losing skid ang Foxies habang bagsak ang Solar Spikers sa anim na dikit na kamalasan matapos talunin ang Chameleons noong Nobyembre 20..

Sa tournament format ay walang koponang masisibak kung saan haharapin ng mga top teams ang mga lower ranked squads sa knockout phase.

Ang mga mananalo ay papasok sa best-of-three quarterfinals series habang pag-aagawan ng mga matatalong tropa ang huling dalawang silya sa isang play-in tournament.

Samantala, pormal na kukunin ng HD Spikers ang No. 3 spot sa pagharap sa Chargers para makatapat ang No. 10 team sa knockout round.

 

CAPITAL1

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with