NU recruitment program
Sa sandaling pagsilip sa ongoing PAL Interclub Golf sa Bacolod, nasilip din natin ang karagdagang National U campus magandang lugar na iyon.
Kasama ito ngayon sa lagpas sampung NU campuses sa bansa – kasama ng main campus sa Sampaloc at iba pang campuses sa MOA-Pasay, Fairview, East Ortigas, Laguna, Lipa, Dasmariñas, Baliwag at Clark.
Syempre, ang lahat ng ito ay karagdagang pagpapalawig ng edukasyon na alay ng NU sa bansa. At kasama rin ang pagpapalakas ng kanilang sports program.
“Pag may talent na lumabas sa mga campuses na ‘yan, syempre ipapasok na nila ‘yan sa Bulldogs’ program. Kaya’t kayang-kaya ng NU makipagsabayan sa recruitment war,” ani ng isang observer.
Magandang recruitment program at magandang training eh maghahatid sa kampeonato.
Nagawa na ng NU iyan sa men’s basketball, women’s basketball, juniors basketball at ganoon din sa volleyball.
Noong nakaraang gabi, sinimulan nila Bella Belen at Alyssa Solomon ang kanilang title defense sa pagdurog sa kanilang fierce rival La Salle, 25-23, 25-21, 25-18.
Hudya’t ang mighty sweep ng inaasahang dominant showing ng Lady Bulldogs sa UAAP Season 87 volleyball.
Datos: Balik sa Bacolod, pasimula na ang PAL Interclub regular event pagkatapos muling sungkitin ng Del Monte ang Seniors Championship, kasunod ang panalo nina Anthony Suntay at Chito Malabanan sa PAL Interclub media tournament.
- Latest