^

PM Sports

PLDT tinapos ang suwerte ng Creamline

Russell Cadayona - Pang-masa
PLDT tinapos ang suwerte ng Creamline
Nagdiwang ang PLDT High Speed Hitters matapos talunin ang Creamline Cool Smashers noong Sabado sa Antipolo City.
PVL photo

MANILA, Philippines — Kinailangan ng PLDT Home Fibr ang bagong career-high na 34 points ni Savi Davison para wakasan ang 19-game winning streak ng nagdedepensang Creamline sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference noong Sabado sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kumamada ang Filipino-Canadian star spiker ng 29 kills at limang blocks bukod sa 17 excellent receptions para sa 30-28, 25-21, 23-25, 18-25, 16-14 pag-eskapo ng High Speed Hitters sa Cool Smashers.

Tinapos ng PLDT ang nasabing arangkada ng Creamline simula noong 2024 PVL Reinforced Conference.

“Whatever it took. We were super focused from the start. We knew it was gonna be a hard game but we pulled through,” sabi ng 26-anyos na si Davison na iginiya ang High Speed Hitters sa 7-3 record para sa fourth place tangan ang 20 points.

Namantsahan ang da­ting malinis na 9-0 baraha ng Cool Smashers sa torneo at nakasosyo ang Petro Gazz Angels (9-1) sa top spot.

“Just the hard work and dedication that we put in every day. It was represented thoroughly throughout this game,” ani Davison. “We work hard in practice by ourselves like nobody really knows so I’m glad it was represented with this game.”

Bago talunin ang Creamline ay umiskor muna ang PLDT ng 25-20, 25-17, 25-19 panalo sa Farm Fresh (4-6) noong Pebrero 4.

Sunod na lalabanan ng High Speed Hitters para sa kanilang asam na ikaapat na sunod na ratsada ang ZUS Coffee Thunderbelles (4-6) sa Pebrero 22 sa City of Passi Arena sa Iloilo City.

PLDT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with