^

PM Sports

Qatar silat sa Gilas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito matapos itakas ang 74-71 come-from-behind win laban sa host Qatar sa 2nd Doha Invitational Cup na ginaganap sa Qatar University Sports and Events Complex.

Nalugmok ang Pinoy cagers sa 11 puntos na pagkakabaon sa fourth quarter.

Ngunit nagpasabog ang Gilas Pilipinas ng 23-11 atake sa likod nina Dwight Ramos, Justin Brownlee at AJ Edu para makuha ang unang panalo nito.

Nanguna para sa Gilas si Dwight Ramos na kumana ng 15 puntos tampok ang tatlong three-pointers kasama pa ang dalawang rebounds at dalawang assists.

Nagdagdag naman si eight-time PBA Most Valua­ble Player June Mar Fajardo ng 12 puntos, pitong boards at dalawang assists habang naglista si Brownlee ng 10 puntos, limang rebounds at limang assists.

Nag-ambag din si Scottie Thompson ng 10 puntos habang nagparamdam si Edu tangan ang anim na puntos at 10 boards.

Solido ang opensa ng Gilas na nakakuha pa ng pitong puntos at limang rebounds mula kay two-time UAAP MVP Kevin Quiambao na miyembro ng Goyang Sono Skygunners sa Korean Basketball League.

Bumandera para sa Qatar si naturalized player Tyler Harris na may 17 puntos mula sa impresibong 8-of-10 shooting samantalang nagsumite naman si Mike Lewis ng 15 markers.

Ilang oras lamang ang magiging pahinga ng Gilas dahil agad itong sasalang sa kanilang ikalawang laro laban sa Lebanon sa alas-6 ng gabi (alas-11 ng gabi sa Maynila).

Nauna nang natalo ang Lebanon sa Egypt sa kanilang unang laro sa iskor na 70-82.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with