^

PM Sports

Pang-5 sunod na panalo dinagit ng Flying Titans

Russell Cadayona - Pang-masa
Pang-5 sunod na panalo dinagit ng Flying Titans
Naharang ni Cherry Nunag ng Choco Mucho ang hataw ni Chiara Permentilla ng Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ng Choco Mucho ang pananalasa matapos talunin ang Nxled, 25-21, 23-25, 21-25, 25-23, 15-10, sa 2024-25 Pre­mier Volley­ball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ang pang-limang sunod na panalo ng Flying Ti­tans ang nagbigay sa ka­nila ng 7-3 kartada para so­lohin ang third place.

Bigo ang Chameleons sa hangad nilang back-to-back wins at nahulog sa 1-9 marka.

Humataw si Sisi Ron­di­na ng 23 points mula sa 21 attacks, isang block at isang service ace para bu­mida sa Cho­co Mucho.

Nagdagdag si Isa Molde ng 12 markers, habang may tig-siyam na puntos sina Dindin Manabat at Maika Ortiz.

“May mga pagkuku­lang pero dumarating ta­laga sa mga ganoong sit­wasyon. Mabuti na lang na­kapag-adjust pa rin kami sa bandang huli,” wika ni coach Dante Alinsunurin na nakahugot rin ng tig-p­tong marka kina Royce Tu­bino at Cherry Nunag.

Pinamunuan ni EJ Lau­re ang Nxled sa kanyang 20 points mula sa 17 attacks, dalawang blocks at isang ace at may 17 at 11 markers sina May Luna at Lucielle Almonte, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 1-2 pagkaka­iwan ay bumangon ang Flying Titans sa fourth set para makatabla sa 2-2.

Sa third frame ay kinuha nila ang 4-0 abante pa­­tungo sa 13-6 pagbaon sa Chameleons.

 

SPORTS

VOLLEY­BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with