^

PM Sports

Ika-5 dikit target ng Choco Mucho

Russell Cadayona - Pang-masa
Ika-5 dikit target ng Choco Mucho
Muling babanderahan ni ace spiker Sisi Rondina ang Choco Mucho kontra sa Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Choco Mucho ang pang-limang sunod na ratsada habang ang unang back-to-back wins ang hangad ng Nxled sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Maghaharap ang F­lying Titans at Chameleons ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Cignal HD Spi­kers at ZUS Coffee Thunderbelles sa alas-6:30 ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Patuloy ang dominas­yon ng nagdedepensang Creamline sa kanilang 9-0 record kasunod ang Petro Gazz (8-1), Cignal (6-3), PLDT (6-3), Choco Mucho (6-3), Akari (5-5), Chery Tiggo (5-5), ZUS Coffee (4-5), Farm Fresh (4-6), Galeries Tower (1-8), Capital1 Solar Energy (1-9) at Nxled (1-8).

Ang team standings ay ibinabase sa total points.

Sa tournament format, ang top teams sa 12-squad tournament ay sasagupa sa mga lower-seeded teams sa knockout rounds.

Ang mga mananalo ay sasampa sa quarterfinals habang paglalabanan ng mga matatalong tropa ang huling dalawang tiket sa isang play-in tournament.

Nasa four-game winning streak ang Flying Titans matapos matalo sa Cool Smashers, samantalang nakamit ng Chameleons ang una nilang panalo matapos ang 15-game losing slump.

Hinataw ng Choco Mucho ang Akari, 21-25, 25-19, 25-23, 25-15, sa huli nilang laro tampok ang 18 points ni Sisi Rondina.

“Happy, kasi unti-unti, we’re reaching the goal na gusto naming marating, so masaya kami na ganito,” ani setter Deanna Wong sa kanilang panalo.

Sumampa naman sa win column ang Nxled matapos ang 25-20, 19-25, 25-14, 25-23 pagdaig sa Galeries Tower.

Bukod kina Rondina at Wong ay muli ring aasahan ng Flying Titans sina Dindin Santiago-Manabat, Isa Molde, Maika Ortiz, Cherry Nunag at Des Cheng.

Itatapat ng Chameleons sina EJ Laure, Chiara Permentilla, May Luna-Lumahan, Jaycel delos Reyes, Lycha Ebon at Jaila Atienza.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with