KAT binuhat ang Knicks sa panalo

INDIANAPOLIS — Humakot si Karl-Anthony Towns ng 40 points at 12 rebounds habang tumipa si Josh Hart ng 30 points at 10 rebounds sa 128-115 paggupo ng New York Knicks sa Indiana Pacers.
Ito ang unang panalo ng New York (35-18) sa Indianapolis sapul noong Abril 2023.
Pinamunuan ni three-time All-Star Pascal Siakam ang Indiana (29-23) sa kanyang 24 points at may 18 markers si Thomas Bryant bilang kapalit ni injured Myles Turner (strained neck).
May 18 points din si Bennedict Mathurin para sa Pacers na nakalapit sa 85-89 sa third period bago muling nakalayo ang Knicks sa fourth period para sa kanilang panalo.
Sa Philadelphia, kumamada si Scottie Barnes ng 33 points kasunod ang 23 markers ni Immanuel Quickley para gabayan ang Toronto Raptors (17-37) sa 106-103 pagtakas sa 76ers (20-33).
Tinapos ng Toronto ang kanilang four-game losing slump.
Humakot si Joel Embiid ng 27 points at 12 rebounds para sa Philadelphia.
Sa Phoenix, bumira si Ja Morant ng 26 points at may 20 markers si Desmond Bane para banderahan ang Memphis Grizzlies (36-17) sa 119-112 pagdaig sa Suns (26-27).
Sa Chicago, nagkadena si Cade Cunningham ng 20 points, 7 assists at 6 rebounds para pamunuan ang Detroit Pistons (28-26) sa 132-92 paglampaso sa Bulls (22-32).
Samantala, idinagdag ng LA Lakers sa kanilang frontline si seven-foot Ukrainian center Alex Len.
- Latest