^

PM Sports

Batang Manda pasisibatin sa Commissioner’s Cup

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapanood muli ng mga karerista ang reig­ning Presidential Gold Cup ruler Batang Manda dahil lalahok ito sa 2025 PHILRACOM Commissioner’s Cup na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.

Makakatagisan ng bilis ng 2024 Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse of the Year awardee Batang Manda ang anim na nagsaad ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race.

May nakalaan na P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang ibang nagdeklara ng partisipasyon ay ang Ba­sheirrou, Don Julio, Easy Does It, Jungkook, Sonic Clay at Worshipful Master.

Gagabayan ni former PSA-Jockey of the Year Patty Ramos Dilema ang Batang Manda, puntirya nilang sungkitin ang first place prize na P900,000.

Sisikwatin ng pa­nga­lawang puwesto ang P300,000 habang P150,000, P75,000, P45,000 at P30,000 para sa third hanggang sixth pla­cers, ayon sa pagkakasunod.

Posibleng magbigay ng magandang laban sa Batang Manda ay ang kalahok na Jungkook at Worshipful Master kaya asahang magiging mainit ang bakbakan sa pista.

Rerendahan nina class A rider Kelvin Abobo at Lester De Jesus ang Jungkook at Worshipful Master.

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with