^

PM Sports

Kings inilusot ni DeRozan sa Mavs sa OT

Pang-masa
Kings inilusot ni DeRozan sa Mavs sa OT
Ang game-winning floater ni DeMar DeRozan sa panalo ng Kings sa Mavericks.

DALLAS — Bumaril si DeMar DeRozan ng season-high 42 points, kasama ang isang baseline floater sa huling dalawang segundo sa overtime para gabayan ang Sacramento Kings sa 129-128 pagtakas sa Mavericks.

Nagdagdag sina Zach LaVine at Malik Monk ng tig-17 points para sa Sacramento (27-26) habang humakot si Domantas Sabonis ng 16 points at 15 rebounds.

Nagkaroon si center Daniel Gafford ng sprained right knee matapos ang banggaan nila ng tuhod ni Monk sa second quarter at hindi na nakabalik para sa Dallas (28-26).

Naglaro rin ang Ma­vericks na wala sina injured power forwards Anthony Davis at P.J. Washington at centers Dereck Lively II at Dwight Powell.

Binanderahan ni Kyrie Irving ang home team sa kanyang 30 points.

Matapos ang floater ni DeRozan para sa Sacramento ay natawagan si Spencer Dinwiddie ng offensive foul sa midcourt sa huling posesyon ng Dallas.

Sa Los Angeles, nag­lista si Luka Doncic ng 14 points, 5 rebounds at 4 assists sa kanyang debut sa Lakers (32-19) sa kanilang 132-113 paggupo sa Utah Jazz (12-40).

Sa Denver, bumira si Nikola Jokic ng 40 points sa 146-117 pagmasaker ng Nuggets (35-19) sa Portland Trail Blazers (23-31).

Sa Milwaukee, kumamada si Stephen Curry ng season-high 38 points sa 125-111 pagdaig ng Golden State Warriors (27-26) sa Bucks (28-24).

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with