Meralco target ang EASL Final Four spot
MANILA, Philippines — Matapos masibak sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup ay susubukan naman ng Meralco na maibulsa ang ikaapat at huling tiket sa Final Four ng East Asia Super League (EASL) Home and Away Season 2.
Lalabanan ng Bolts ang New Taipei Kings ngayong alas-7 ng gabi sa University of Taipei kung saan ang mananalo ang magtutungo sa Macau para sa semifinals sa Marso 7-9.
“We still have a chance to win this game and end up in the Final Four. And definitely I don’t want to leave my brothers whenever they have a chance to make it to the semis,” ani Meralco guard Chris Newsome.
Bitbit ng Bolts ang 2-3 record para sa fourth place sa Group B sa ilalim ng 3-2 baraha ng Kings.
Kung mananalo ang Meralco ay magkakaroon ng isang three-way logjam kasama ang Taipei at Macau Black Bears.
Makakasampa sila sa EASL semis dahil sa kanilang superior quotient.
Muling ipaparada ng Meralco sina import DJ Kennedy at naturalized player Ange Kouame laban sa Taipei team.
Sa South Korea, magtutuos ang mga sibak nang San Miguel (0-5) at Suwon KT (2-3) sa Sonicboom Arena.
Isasalang ng Suwon KT si two-time UAAP champion at Finals MVP JD Cagulangan ng University of the Philippines Fighting Maroons.
- Latest