^

PM Sports

Andiamo A Firenze wagi sa Japan Cup

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang kahirap-hirap na sinikwat ng Andiamo A Fi­renze ang korona sa naganap na 2025 Japan Cup race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Humarurot agad sa largahan ang Andiamo A Firenze upang sunggaban ang unahan, habang pilit na kumakapit ang kanyang mga tigasing katunggali.

Sa kaagahan ng karera ay nasa isa’t kalahating kaba­yo ang agwat ng Andiamo A Firenze sa Daily Burn, pero pagdating sa kalagitnaan ng labanan ay umungos pa ito ng hanggang tatlong kabayo.

Halos hindi nakitaan ng pagkahingal ang Andiamo A Firenze pagsapit ng bakbakan sa far turn dahil umabot na sa four lengths ang lamang kaya sa rektahan ay halos wala nang gustong humabol sa winning horse.

Tinawid ng Andiamo A Firenze ang finish line na may anim na kabayo ang lamang sa pumangalawang Madam Mayhem, pangatlo ang Midnight Cat at pang-apat ang Mano Dura.

Inilista ng Andiamo A Firenze ang tiyempong 1:37 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ni winning horse owner Joseph Dyhengco ang P600.000.

Pitong karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).

ANDIAMO A FI­RENZE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with