^

PM Sports

Pahinga bago bakbakan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagkasukatan, nagkaalaman, at ang NorthPort, TNT, Rain or Shine at Barangay Ginebra ang natirang nakatayo sa PBA Commissioner’s Cup rumble.

Mabilis umusad ang quarterfinals kung saan laglag ang Magnolia, Eastern, Converge at Meralco.

Ang siste, eh mas mahaba ang magiging paghihintay sa pagsisimula ng semifinals sa Feb. 26.

Magbibigay-daan ang conference sa FIBA games na lalaruan ng Gilas Pilipinas.

At sa period na ito, kasama sa labanan ng Batang Pier, Tropang Giga, Elasto Painters at Gin Kings ang pag-aalaga ng kondisyon.

Sino ang mapapanatili ang sharpness? Sino ang ba­baba ang laro? Sino ang mawawala ang momentum?

Ganon pa man, mainit na bakbakan pa rin ang aasahan sa NorthPort-Gi­nebra at TNT-ROS se­mifinal series.

Posible ang title rematch sa pagitan ng TNT at Ginebra.

At maaari rin ang title duel between independent teams – NorthPort kon­tra Rain or Shine.

***

Sa Valenzuela, pinipi­lit ni Pareng Kandong Pa­baya na siya ay nadupilas lang kaya napunta ang MVP honors kay Danilo Limsiaco sa kanilang title run sa Maysan 40-Up bas­ketball tournament.

Kampeon ang Team Kampay/Purok 7 nina Pa­baya at Limsiaco.

At ngayon pa lang to­do na ang weight trai­ning ni Pareng Kandong, umaasa sa second straight championship at MVP ci­tation.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with