Unang panalo hanap ng Nxled
MANILA, Philippines — Isa lamang sa Galeries Tower at Nxled ang matatapos ang kamalasan.
Maghaharap ang Highrisers at Chameleons ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang banggaan ng Akari Chargers at Choco Mucho Flying Titans sa alas-7:30 ng gabi sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Solo ng nagdedepensang Creamline ang liderato sa kanilang 8-0 record kasunod ang Petro Gazz (7-1), Cignal HD (6-3), PLDT (6-3), Akari (5-4), Choco Mucho (5-5), ZUS Coffee (4-5), Farm Fresh (4-5), Galeries Tower (1-7), Capital1 Solar Energy (1-8) at Nxled (0-8).
Matapos walisin ang Solar Spikers ay minalas ang Highrisers sa Crossovers, HD Spikers at Foxies.
Ang kauna-unahang panalo pa rin ang hangad ng Chameleons.
Sina Julia Coronel, Jewel Encarnacion, Ysabel Jimenez at France Ronquillo ang babandera sa Galeries Tower katapat sina Chiara Permentilla, Lycha Ebon, May Luna at EJ Laure ng Nxled.
- Latest