^

PM Sports

Creamline balik sa liderato

Russell Cadayona - Pang-masa
Creamline balik sa liderato
Umere si Jema Galanza ng Creamline para hatawan sina Aby Maraño at Jasmine Nabor ng Chery Tiggo.
PVL photo

MANILA, Philippines — Dumiretso ang nagdedepensang Creamline sa pang-walong sunod na panalo matapos ang 25-17, 25-17, 25-21 demolisyon sa Chery Tiggo sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Muling napasakamay ng Cool Smashers ang solong liderato sa kanilang 8-0 record kasunod ang Petro Gazz Angels (7-1).

Ito ang pang-18 sunod na arangkada ng tropa ni coach Sherwin Meneses sapul noong 2024-25 PVL All-Filipino Conference.

“Siyempre, it’s was team effort, everybody really helped. Talagang nag-execute lang kami and coach Sherwin kept emphasizing na good e­xecution lang kami today and everything followed,” ani middle blocker Bea De Leon na naglista ng 13 points mula sa walong attacks, dalawang blocks at tatlong aces.

Nagdagdag si Jema Galanza ng siyam na puntos at may tig-walo at pitong marka sina Tots Carlos, Pangs Panaga at Alyssa Valdez, ayon sa pagkakasunod.

“Veteran din iyong Chery Tiggo, so dapat talaga paghandaan ding mabuti,” wika ni Meneses.

Laglag ang Crossovers sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 5-5 baraha.

Naglista si Ara Galang ng 14 points mula sa 12 attacks at dalawang blocks para pamunuan ang Chery Tiggo na ibinaon ng Creamline sa 2-0.

Sa third period ay nakatabla ang Crossovers sa 19-19 sa likod nina Galang at Mary Rhose Dapol.

Pinamunuan naman ni Galanza ang atake ng Cool Smashers para sa kanilang 21-19 bentahe patungo sa 24-20 kalamangan mula kina Panaga at De Leon.

Nakaiskor si Jules Samonte para sa 21-24 agwat ng Chery Tiggo bago tapusin ni Valdez ang laro sa kanyang hataw sa gitna para sa panalo ng Creamline.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with