^

PM Sports

76ers isinalba ni Embiid

Pang-masa
76ers isinalba ni Embiid
Binangga ni 76ers center Joel Embiid si Maxi Kleber ng Mavericks para sa kanyang tirada.

PHILADELPHIA — Humakot si center Joel Embiid ng triple-double na 29 points, 11 rebounds at 10 assists para tulungan ang 76ers sa 118-116 pag-eskapo sa Dallas Mavericks.

Ito ang unang laro ni Embiid para sa Philadelphia (20-29) matapos ang isang buwan dahil sa left knee injury habang wala sa aksyon si Paul George bunga ng finger injury.

Nagposte si star guard Tyrese Maxey ng 33 points at 13 assists para sa home team.

Bagsak ang Dallas (26-25) sa ikalawang dikit na kabiguan matapos i-trade si Luka Doncic sa Los Angeles Lakers kapalit ni center Anthony Davis na hindi naglaro dahil sa abdominal injury.

Sa Inglewood, California, kumolekta si LeBron James ng 26 points, 9 assists at 8 rebounds sa 122-97 paggupo ng La­kers (29-19) sa LA Clippers (28-22) sa larong pinanood ni Doncic mula sa bench.

Sa Chicago, naglista sina rookie Matas Buzelis at Josh Giddey ng tig-24 points sa 133-124 pagsuwag ng Bulls (22-29) sa Miami Heat (24-24).

Sa Toronto, humakot si Karl-Anthony Towns ng 27 points at 20 rebounds sa 121-115 panalo ng New York Knicks (34-17) sa Raptors (16-34).

JOEL EMBIID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with