^

PM Sports

Sahib, Reina Margaretta sanib-puwersa sa 3YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtutulungan ang magka-kuwadrang Sahib at Reina Margaretta pagsalang sa 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, bukas (Biyernes).

Makakatagisan ng bilis ng Sahib at Reina Margaretta ang Rapa Bell, Easy Go Lucky, A.M. Espresso, Enough Is Enough, Daijobo Express at Mirror of Justice sa distansyang 1,400 meter race.

Gagabayan ni jockey Conrad Henson ang Sahib habang si JC Dela Cruz ang nakatoka sa Reina Margaretta, puntirya nilang masikwat ang P15,000 added prize para sa winning horse owner.

Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magpakitang gilas din ang mga kalahok na Rapa Bell, Enough Is Enough at Easy Go Lucky sa event na pasisibatin sa unang karera sa alas-5 ng hapon, simula na rin ng tayaan sa winner take all, (WTA).

“Mahirap na laban yan, maraming magagaling na kasali, kaya mas maganda mga tatlo mahigit ang pili para maka-isang puntos agad sa winner take all.” ani Aljhun Estanislao, veteran karerista.

Magbubulsa rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P4,500 habang P1,000 at P500.00 ang se­cond at third placers, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayon kaya tiyak na maligalig na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

 

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with