Knicks umeskapo sa Rockets

NEW YORK — Nagsumite si guard Jalen Brunson ng 42 points at 10 assists para gabayan ang Knicks sa 124-118 pagpapabagsak sa Houston Rockets.
Umiskor si Brunson ng 17 points sa fourth quarter para ibangon ang New York (33-17) mula sa isang 11-point deficit sa third period.
Nagdagdag sina center Karl-Anthony Towns at guard Mikal Bridges ng tig-22 points habang may 19 markers si Josh Hart.
Kumabig si guard Amen Thompson ng 25 points, 11 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikatlong career triple-double sa ikatlong dikit na kabiguan ng Houston (32-17) na nakahugot kay Cam Whitmore ng 18 points.
Ang layup ni Brunson ang nagbigay sa Knicks ng 116-114 abante sa 1:38 minuto ng laro kasunod ang kanyang three-pointer para iwanan ang Rockets sa 118-114 sa huling minuto.
Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng 27 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-23 triple-double sa season para akayin ang Nuggets (31-19) sa 125-113 panalo sa New Orleans Pelicans (12-38).
Sa Minneapolis, naglista si DeMar DeRozan ng 33 points sa 116-114 paglusot ng Sacramento Kings (25-24) sa Minnesota Timberwolves (27-23).
- Latest