^

PM Sports

Philippines squad sibak sa Asean Cup

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pinalad ang Philippine men’s national football team na maitarak ang kauna-unahang pagkakataon na makaentra sa finals ng 2024 Asean Cup.

Tuluyan nang nama-alam sa kontensiyon ang Pinoy booters matapos lumasap ng 3-1 kabiguan sa kamay ng host Thailand sa second leg ng semifinals na ginanap sa Rajamangala Stadium sa Bangkok.

Naging tinik sa kam­pan­ya ng Pinoy squad si Thailand top striker Suphanat Mueanta na siyang nagtala ng goal sa ika-116 para makuha ng Thais ang panalo.

Nagwagi ang Thailand via 4-3 aggregate.

Nauna nang nanalo ang Pilipinas sa first leg ng semis sa iskor na 2-1 noong Biyernes sa Rizal Memorial Stadium.

Makakasagupa ng Thailand sa finals ang Vietnam na nanaig naman sa Singapore via 5-1 aggregate sa hiwalay na semis series.

Sa kabila ng kabiguan, uuwi ang Pinoy booters na nakataas ang noo dahil ito ang unang semis appea­rance ng Pilipinas sapul noong 2018.

Sa edisyon din na ito naputol ang losing streak ng Pilipinas kontra sa Thailand sa loob ng mahigit limang dekada.

FOOTBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with