^

PM Sports

NU iiwas matalo sa UST

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisikapin ng University of Sto. Tomas na duplikahin ang kanilang huling panalo pagsabak nila kontra National University sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.

Naka-puwesto ang Growling Tigers sa pang-apat tangan ang 5-6 karta, kailangan nilang talunin ang Bulldogs ngayong alas-6:30 ng gabi upang mapalakas ang kapit nila sa magic four.

Para sa Bulldogs, ta­ngan ang No. 7 kung saan kasalo nila ang Ateneo sa team stan­ding, bawal na silang matalo dahil mali­ligwak na sila.

Solo sa tuktok ang defending champions De la Salle University na may 10-1 karta, pangalawa ang University of the Philippines na hawak ang 9-2 card habang solo rin sa No. 3 ang University of the East, (6-5).

Samantala, magtatapat naman sa unang sultada sa alas-3:30 ng hapon ang La Salle at Far Eastern University.

Mananatiling pangunahing armas ni La Salle head coach Topex Ro­binson ang kanyang kamador na si reigning MVP Kevin Quiambao upang pamunuan ang opensa ng kanyang mga bataan.

 

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with