^

PM Sports

Pangulong Marcos umayuda sa ICF World Dragonboat

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — May basbas ng Malacañang ang hosting ng Pilipinas ng prestihiyosong ICF Dragon Boat World Championships mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nag­labas ng Proclamation No. 699 para ideklara ang ikaapat na linggo ng Oktubre bilang “Moving Forward Paddling Week Philippines.”

“The celebration of Moving Forward Paddling Week Philippines aims to promote the Philippines as premier paddling destination and encourage all communities to adopt as a sport and leisure activity,” ayon sa decree.

Inatasan ni Marcos si Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann na makipagtulungan sa mga organizers ng World Dragonboat meet upang masigurong magi­ging matagumpay ito.

Nagpasalamat naman sina Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron at Philippine Canoe Kayak Federation president Leonora “Lenlen” Escollante sa suportang ibinigay ni Marcos.

“Kahit sino pa man ang mga participants natin, kailangan nating pakitunguhan ng maayos, kahit saan mang galing bansa yan, China man yan, Ukraine or Russia. Ito po ay larangan ng palakasan, walang politika, ito ay friendship game lang dito sa Pilipinas,” ani Escollante.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with