^

PM Sports

3 sports balik sa Thailand Games

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinalik sa listahan ng mga lalaruin sa 33rd Southeast Asian Games ang tatlong sports na malaki ang kontribusyon sa Team Phi­lippines sa mga nakalipas na edisyon ng SEA Games at Asian Games.

Ito ay ang wushu, jiu-jitsu at karate sa kalendaryo ng SEA Games na gaganapin sa susunod na taon sa Bangkok, Thailand.

Nakumpirma ang pagbabalik ng tatlong sports sa isang ulat sa Singapore kung saan kabilang din sa ibinalik ang cricket, tenpin bowling at sport climbing.

“The Singapore National Olympic Committee confirmed that the SEA Games Federation has approved the inclusion of tenpin bowling, wushu, sport climbing, ju-jitsu and cricket for the upcoming Games. Karate will also be reinstated to the regional event,” ayon sa ulat ng Singapore Straits Times.

Inaasahang ipopormalisa ang lahat sa susunod na pagpupulong ng lahat ng miyembro ng Southeast Asian Games Federation Council na idaraos nga­yong Oktubre.

“The final program will be officially confirmed after the SEAGF council’s endorsement at their upcoming meeting in late October,” ayon pa sa ulat.

Malakas ang Pilipinas sa jiu-jitsu kung saan nakasungkit ng gintong medalya sina Meggie Ochoa at Annie Ramirez sa 2023 Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.

Bukod pa rito ang gintong medalya na nakuha nina Marc Alexander Lim at Kaila Napolis noong 2023 SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia.

 

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with