^

PM Sports

Yulo natanggap na ang P10 milyon mula sa ICTSI

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglobo ng cash incenitves ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo nang matanggap na nito ang P10 milyon mula sa ICTSI kahapon sa Solaire sa Pasay City.

Ang naturang halaga ay reward kay Yulo na nakapag-uwi ng dalawang gintong medalya sa gymnastics competition — sa men’s vault at men’s floor exercise — sa Paris 2024 Olympics.

Mismong si Yulo ang tumanggap ng tseke kasama sina Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at Christian Martin Gonzalez na kinatawan ng ICTSI.

“Thank you to the ICTSI, Sir Ricky [Razon]. Thank you to POC president, Mayor Abraham Tolentino, and we are all hoping they will continue supporting us up to the next Olympics and overseas competitions,” ani Yulo.

Hindi lamang si Yulo ang masaya dahil binigyan din ng pabuya sina boxers Aira Villegas at Nesthy Petecio na parehong nakasikwat ng tansong medalya.

Nakatanggap sina Villegas at Petecio ng tig-P2 milyon.

Uuwi rin na masaya ang mga non-medalists sa Paris Games dahil may tig-P200,000 cash bonus ang mga ito.

“Let us thank the ICTSI, Mr. Enrique Razon and Christian Gonzalez, for helping our athletes with these cash rewards. Our national athletes have performed their very best in the greatest show on earth at the Paris Olympics,” wika naman ni Tolentino.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with