^

PM Sports

Batang Cabrera wagi sa Handicapping race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsaya na naman ang mga dehadista matapos manalo ng Batang Cabrera sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Kumaripas agad sa largahan ang matulin na Eye In The Sky upang hawakan agad ang unahan habang nanood sa pang limang puwesto ang dehadong Batang Cabrera na sinakyan ni jockey Arnold “Apoy” Asuncion.

Pagsapit sa kalagitnaan ng karera ay nasa apat na kabayo ang lamang ng Eye In The Sky sa pumapangalawang Euroclydon habang tersero ang Basket Of Gold.

Pagdating ng far turn ay umiksi na ang bentahe ng Eye In The Sky sa humahabol na Euroclydon at Basket In The Sky habang malakas naman ang dating ng Batang Cabrera na nasa pang-apat na.

Kaya naman kumapit na sa unahan ang Batang C­abrera habang papalapit sa huling kurbada at pagsungaw ng rektahan ay naagaw na ng winning horse ang bandera.

Sa huling 100 metro ng karera ay nasa apat na kabayo na ang lamang ng Batang Cabrera.

Tinawid ng Batang Cabrera ang meta ng may anim na kabayo ang agwat sa pumangalawang Eye In The Sky tersero ang Euroclydon.

Nilista ng Batang Cabrera ang tiyempong 1:26.8 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Faustino Datu Jr. ang P10,000 added prize.

Kinubra naman ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,000 habang P1,000 ang inuwi ng second placer.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with