Obiena, Paalam at Yulo puntirya ang medal
PARIS - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nakapasok si EJ Obiena sa Olympics pole vault finals matapos sa Tokyo Games noong 2021.
Nilundag ng World No. 2 ranked ang 5.75m papasok sa medal play ng 2024 Paris Olympics sa hanay ng 12 qualifiers na pinamunuan ni superstar titleholder Armand Duplantis ng Sweden kahapon sa Stade de France.
Matapos mabigo sa first at second attempt sa 5.6 meters ay sinubukan ni Obiena ang mas mataas na 5.7m sa kanyang third at final attempt na matagumpay niyang nalampasan.
Matapos ito ay tinalon ni Obiena ang 5.75m patungo sa finals.
Sampu pa ang nakatalon ng 5.75m kasama sina Valters Kreiss ng Latvia at Australian Kurtis Marschall na nagtala ng parehong 5.7m.
Ang iba pang umabante sa finals ay sina Sondre Guttormsen ng Norway, Greek Emmanouil Karalis, Ersu Sasma ng Turkey, Oleg Zernikel ng Germany, Memmo Vloon ng Netherlands, American Sam Kendricks, Chinese
Huang Bokai at German Bo Kanda Baehre.
Magbabalik sila sa national stadium sa Lunes para paglabanan ang Olympic gold medal.
Hindi nakasama sina Frenchmen Thibaut Collet at Anthony Ammirati, Piotr Lisek ng Poland at Ben Broeders ng Belgium.
Sina Duplantis, Obiena at Karalis ang mga top bets na sinimulan ang kanilang mga kampanya sa pagtalon sa 5.6m.
- Latest