^

PM Sports

Highrisers giba sa Cool Smashers

Pang-masa
Highrisers giba sa Cool Smashers
The Cool Smashers.
PVL Media Bureau

MANILA, Philippines — Hinataw ng Creamline ang ikatlong dikit na panalo matapos gibain ang Gale­ries Tower, 27-25, 26-28, 29-27, 25-19, sa Pool A ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw si American import Erica Staunton ng 29 points mula sa 25 attacks, tatlong blocks at isang service ace para sa 3-1 record ng Cool Sma­shers at inilaglag ang High­risers sa 0-4 marka.

“I think just improving our game everyday,” sabi ni Staunton. “This was such a tough game but there are definitely some areas where we can improve. So we’re gonna be back in the gym and training for the next match.”

Nag-ambag si Bernadeth Pons ng 26 markers buhat sa 21 attacks, tatlong blocks at dalawang aces para sa Creamline.

Bumanat si Thai import Sutadta Chuewulim ng 23 points sa panig ng Galeries Tower habang may 13 markers si France Ronquillo.

Matapos makatabla ang Highrisers sa second set ay itinakas ng Cool Sma­shers ang 29-27 panalo sa third frame bago tuluyang selyuhan ang panalo sa fourth set.

Sa unang laro, pinadapa ng Farm Fresh ang Nxled, 25-16, 25-15, 25-17, para sa kanilang ikalawang dikit na arangkada at itaas ang baraha sa 2-2.

Bumanat si Colombian import Yeny Murillo ng 22 points mula sa 21 attacks at isang block para sa Foxies habang may 16 markers si Trisha Tubu.

Pinangunahan ni C­hiara Permentilla ang Chameleons, laglag sa ikatlong sunod na kamalasan para sa 1-3 marka, sa kanyang 12 points at may pitong marka si American import Meegan Hart.

vuukle comment

STAUNTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with