^

PM Sports

Obiena, Paalam at Yulo puntirya ang medal

Nelson Beltran - Pang-masa
Obiena, Paalam at Yulo puntirya ang medal

PARIS — Pamumunuan nina pole vaulter EJ Obiena, boxer Carlo Paalam at gymnast Carlos Yulo ang misyon ng Team Philippines na makasampa sa 2024 Olympics medal board.

Hangad ng tatlong Pinoy athletes na makapasok sa medal tally at mapanatili ang medal streak para sa bansa matapos ang silver ni Hidilyn Diaz sa Rio de Janeiro noong 2016 kasunod ang 1-2-1 gold-silver bronze breakthrough sa Tokyo noong 2021.

Sasabak si Obiena sa qualification sa hangaring makapasok sa medal play sa Stade de Paris, habang puntirya ni Paalam ang bronze sa Paris North Arena at sasalang si Yulo sa men’s floor exercise finals sa Bercy Arena.

Inaasahang mapapasama si Yulo, isang world champion floor exercise artist, sa podium finish sa nasabing event.

Naniniwala si Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion sa tsansa ni Yulo sa gold “and maybe two if he does well in the vault.” Samantala, sasagupain ni Paalam si Australian Charlie Senior sa men’s 57kg quarterfinal round kung saan ang kanyang panalo ang sisiguro sa Pinas ng bronze medal.

“Carlo is one win away from history. No Filipino boxer has won two medals in the Games. And if ever, he’ll be doing it in two different weight classes. We’re all hoping he can get it done,” ani Alliances of Boxing Association of the Philippines secretary general Marcus Manalo.

Sumuntok si Paalam sa Tokyo ng silver medal sa 51kg category para makasama sina Filipino Olympic boxing medal winners Jose Villanueva (bronze sa Los Angeles noong 1932), Anthony Villanueva (silver sa Tokyo noong 1964), Leopoldo Serantes (bronze noong 1988 sa Seoul), Roel Velasco (bronze noong 1992 sa Barcelona), Onyok Velasco (silver sa Atlanta noong 1992) at Eumir Marcial (bronze noong 2021 sa Tokyo).

May tsansa din sa ginto ni Obiena, ang World No. 2 sa likod ni Armand “Mondo” Duplantis ng Sweden, sa kabila ng pagkakaroon nito ng physical problems.

Bukod kay Duplantis, makakaharap din ni Obiena sina Tokyo silver winner Christopher Nilsen at Sam Kendricks ng US, Piotr Lisek ng Poland, Kurtis Marschall ng Australia, Ben Broaders ng Belgium, Emmanouil Karalis ng Greece at Thibaut Collet ng France.

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with