Pinay spikers kakasa sa Thais
MANILA, Philippines — Lalabanan ng Alas Pilipinas ang nagdedepensang Thailand sa ikalawa nilang laro sa two-leg Southeast Asian Volleyball League (SEA V.League) sa Huang Phueng sa Vietnam.
Nakatakda ang duwelo ng mga Pinay spikers at mga Thais ngayong alas-3 ng hapon.
Hinarap kagabi ng Alas Pilipinas ni Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito ang Vietnam sa nasabing torneo na dating kilalang ASEAN Grand Prix.
Sumalang ang national team sa training camp sa Osaka, Japan para paghandaan ang SEA V.League kung saan hindi nila nakasama si collegiate star Angel Canino na nagsasanay sa De La Salle University para sa darating na UAAP Season 87.
Nakatakda naman ang second leg ng SEA V.League sa Thailand sa Agosto 9 hanggang 11.
Makakaharap ng mga Pinay spikers sa Agosto 9 ang mga Thais bago sagupain ang mga Vietnamese sa Agosto 10 at ang mga Indonesians sa Agosto 11.
- Latest