^

PM Sports

Boston amoy na ang NBA crown

Pang-masa
Boston amoy na ang NBA crown
Nilusutan ni Jaylen Brown ng Celtics sina PJ Washington at Josh Green ng Mavs para sa kanyang dunk sa Game 3 ng NBA Finals.

DALLAS — Bumanat si Jayson Tatum ng 31 points habang may 30 markers si Jaylen Brown para igiya ang Boston Cel­tics sa 106-99 paggiba sa Mavericks sa Game Three at kunin ang 3-0 lead sa NBA Finals.

Maaari nang tapusin ng Boston ang kanilang best-of-seven championship series ng Dallas sa Game Four bukas para angkinin ang NBA record na ika-18 korona.

Nalampasan ng Celtics ang pagbangon ng Ma­vericks mula sa 21-point lead, 91-70, sa kaagahan ng fourth quarter para makalapit sa 92-93 agwat sa huling 3:30 minuto nito.

“Not really trying to look too much into it,” sabi ni Tatum. “The game of basketball is about runs. It’s never going to go like you expected. If you want to be a champion, you have to be resilient in those situations, and we did that tonight.”

Hindi pinaglaro ng Boston si 7-foot-2 Latvian center Kristaps Porzi­ngis dahil sa kanyang rare tendon injury sa left leg sustained na nalasap niya sa Game Two.

Pinamunuan ni Kyrie Irving ang Dallas sa kanyang 35 points habang humakot si Luka Doncic ng 27 markers, 6 rebounds at 6 assists.

Natawagan si Doncic ng kanyang sixth foul sa 4:12 minuto ng laban kung saan nakadikit ang Mave­ricks sa 90-93.

“We had a good chance,” ani Doncic. “We were close. Just didn’t get it. I wish I was out there.”

Binuhat nina Tatum at Brown ang Celtics kasama si Derrick White, umiskor ng 16 points, para muling makalayo at selyuhan ang kanilang panalo.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with