^

PM Sports

Meralco, SMB agawan sa krusyal na Game 5

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalapit ng isang hakbang mula sa asam na titulo ang reigning champion na San Miguel Beer at challenger na Meralco sa sagupaan nila sa Game 5 ng 2024 PBA Philippine Cup best-of-seven finals ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Kukulo ang giyera sa alas-7:30 ng gabi tampok ang 3-2 bentahe at tsansang mamuro sa kampeonato para sa mapalad na magwawagi.

Magkabuhol ang Beermen at Bolts ngayon sa 2-2 kartada papasok sa virtual best-of-three showdown matapos magsalitan sa u­nang apat na duwelo.

Nakauna ang Bolts, 93-86, bago nakabalikwas ang Beermen sa Game 2, 95-94. Umariba uli ang Meralco sa Game 3, 93-89, tsaka muling nakabawi ang SMB sa Game 4 kamakalawa lang, 111-101.

Iyon ang unang beses na naka-iskor ng lagpas 100 ang parehong koponan matapos ang defensive battle sa unang tatlong laro.

Hindi pa natatalo sa 12 salang ngayong confe­rence ang Beermen basta maka-iskor sila ng 100 na siya uli nilang sasandalan sa Game 5 para maagaw na ang bentahe sa wakas.

Babandera sa natu­rang misyon si 7-time PBA MVP June Mar Fajardo, na kakakorona lang bilang Best Player of the Conference sa ika-10 pagkakataon.

Pumukol si Fajardo ng season-high na 28 puntos sahog pa ang 13 rebounds sa Game 4 upang giyahan ang Beermen. Bagama’t nasa momentum, hindi pa rin magiging madali ang daan ng SMB, na aalalayan nina Chris Ross, Jericho Cruz, Don Trollano, Mo Tautuaa at Terrence Romeo, sa pagharang ng gigil na Meralco.

Bibida sa ganti ng Bolts si Chris Newsome na nauwi sa wala ang career-high na 40 puntos sa kabiguan nila sa Game 4.

Ang performance rin ni Newsome ang pinakamataas sa finals para sa local player buhat nang kumamada ng 42 puntos si Fajardo sa Game 5 ng 2018 Philippine Cup finals kontra sa Magnolia.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with