^

PM Sports

Gilas tututok na sa FIBA OQT

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensi­yon ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Olympic Quali­fying Tournament na hahataw sa Hulyo sa Riga, Latvia.

Sasailalim sa magkakahiwalay na tuneup games ang pagdaraanan ng Gilas bago sumabak sa qualifiers.

Bago ito, pukpukan ang magiging ensayo ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bago umalis ng bansa.

Magsisimula ang ensayo sa Hunyo 21.

Base sa plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, matapos ang training camp sa Laguna, aalis ang tropa para sumalang sa tuneup game sa Hunyo 27 sa Turkey.

Nais ni Gilas head coach Tim Cone na makatuneup ang mga European teams upang ma­kabisado ang mga galaw nito lalo pa’t European teams din ang makakasagupa ng Pinoy squad sa qualifiers.

Magkakasama sa Group A ang Pilipinas, Latvia at Georgia habang nasa Group B naman ang Brazil, Ca­meroon at Montenegro.

Babanderahan ang Gilas ni naturalized player Justin Brownlee kasama sina seven-time PBA MVP June Mar Fajardo, reigning MVP Scottie Thompson at Kai Sotto.

Pasok din sina Chris Newsome, CJ Perez, Dwight Ramos, Calvin Oftana, Ke­vin Quiambao, Mason Amos, Carl Tamayo, Japeth Aguilar at AJ Edu. 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with