^

PM Sports

Suzuki saludo kay Pacquiao

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Saludo si Japanese MMA fighter Chihiro Suzuki sa maningning na karera ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa mundo ng boksing.

Subalit isasantabi muna ito ni Suzuki sa oras na makaharap nito si Pacquiao sa isang exhibition match sa Hulyo 28 sa Saitama, Japan.

Matinding pagha­handa na ang ginagawa ng Japanese bet upang mabig­yan ng magandang laban ang Pinoy boxing legend sa oras na magkrus ang kanilang landas sa ibabaw ng ring.

Mabilis lang ang laban. Tatlong rounds lamang ito na may tig-tatlong minuto kada round.

Kaya’t inaasahang ma­tinding aksyon agad ang masisilayan sa simula pa lamang ng suntukan sa ring.

Malaking karangalan para kay Suzuki na makaharap ang isang boxing le­gend na kinikilala sa buong mundo.

“It’s a real honor to be able to fight against someone who has made history, so I will face him with respect,” ani Suzuki.

Para kay Suzuki, ito ang pinakamalaking pagsubok na kanyang haharapin sa kanyang karera sa professional fighting.

“In a way this is a challenge for me. For me, it’s one of the biggest challenges of my life and a test that I have to overcome,” ani Suzuki.

Ito ang unang pagkakataon na muling tutungtong sa ring si Pacquiao.

At sa kanyang pagbabalik sa ring, sisiguraduhin ni Pacquiao na maitatarak nito ang knockout win.

“We will be looking for a knockout for this fight. So you better watch, and it’s going to be a lot of action in the ring. And, of course, I’ll do my best to win by knockout,” ani Pacquiao sa kanyang naunang pa­nayam.

Matatandaang nagretiro na sa boksing si Pacquiao noong 2021.

Tinutukan nito ang kanyang kandidatura sa Presidential Elections.

Ngunit hindi pinalad si Pacquiao na manalo.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with