^

PM Sports

Ika-10 BPC trophy nakuha ni JMF

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Ika-10 BPC trophy nakuha ni JMF
Hawak ni Best Player of the Conference June Mar Fajardo ang replika ng kanyang tseke kasama sina PBA Commissioner Willie Marcial, PBA Governor Robert Non.
PBA Image

MANILA, Philippines — Tinanghal uli na Best Player of the Conference si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa ginanap na awarding ceremony kahapon bago ang Game 4 ng 2024 PBA Philippine Cup best-of-seven finals sa Smart-Araneta Coliseum.

Ito na ang ika-10 BPC award ni Fajardo upang lalong pagandahin ang kanyang alamat bilang pinakamagaling na player sa kasaysayan ng liga sahog din ang 7 Most Valua­ble Player awards.

Naka-kolekta si Fajardo ng 1,100 puntos mula sa statistics, boto ng players, media at PBA Commissioner’s Office sa likod ng rehistrong 17.3 puntos, 14.5 rebounds at 3.1 assists.

Dinaig ni Fajardo sa karera sina Stephen Holt ng Terrafirma at Robert Bolick ng NLEX na nakakolekta ng 651 at 641 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kumamada ang super rookie na si Holt ng 21.1 points, 8.1 rebounds, 6.3 assists, at 2.4 steals habang may league-best na 28.3 puntos sahog pa ang 5.2 rebounds at 6.5 assists si Bolick.

Kandidato rin sina CJ Perez ng SMB at Christian Standhardinger ng semifinalist na Barangay Ginebra.

Subalit ang 34-an­yos na si Fajardo ang pinaka-nagningning para mawalis ng Beermen ang individual awards ngayong Season 48 matapos ding magwagi bilang BPC si Perez sa Commissioner’s Cup.

Sa kabuuan, ito na ang ika-17 individual award ni Fajardo mula sa pinagsamang BPC at MVP na siyang pinakamarami sa kasaysayan.

Bitbit din niya ang 10 kampeonato, 4 na Finals MVP, 9 na All-Star Selections, 8 Mythical First Team Selections, 6 na All-Defensive Team Selections, 2 Sportsmanship Award, 1 Most Improved Player at 1 Defensive Pla­yer of the Year na parangal.

 

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with