^

PM Sports

Gilas Pilipinas women’s 3x3 sasabak sa France leg

Pang-masa

MANILA, Philippines — Panalo ang turing ni Kaye Pingol sa paglalaro ng Gilas Pilipinas women’s team sa nakaraang FIBA 3x3 Women’s Series 2024 sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Ayon sa top-ranked women’s 3x3 player ng bansa, maaari pang mapaganda ng tropa ang kanilang sixth-place finish sa nasabing torneo.

“For us, playing there was already a win for the women’s basketball scene in the Philippines,” sabi ni Pingol matapos ang 12-18 kabiguan sa Austria sa quarterfinal round ng serye sa Ulaanbaatar.

Naranasan ng koponan kung gaano kabigat ang labanan pagdating sa world stage.

“Iba iyong pisikalan ng game, iba iyong hawakan at hawian, lalo na mas maliit kami kaya dehado talaga. Pero with that experience, at least alam at na-feel na namin iyong level ng laro doon at hindi talaga siya basta-basta,” wika ng Uratex Dream standout.

Nakasama ni Pingol sa kampanya ng Gilas wo­men’s 3x3 squad sina Allana Lim, Hazelle Yam at Sam Harada.

Nangako ang grupo na pagbubutihin pa ang paglalaro sa paglahok sa tatlo pang bahagi ng FIBA 3x3 Women’s Series.

Ililipat ang serye sa Clermont-Ferrand, France sa Hunyo 14-15 bago dalhin sa Orléans, France sa Hunyo 20-21 at sa Wuhan, China sa Hunyo 29-30.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with