^

PM Sports

Semis berth pakay ng Red Lions sa Scorpions

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Marinerong Pilipino-San Beda ang isa sa dalawang outright semifinal berth sa pagharap sa Centro Escolar University sa 2024 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Lalabanan ng Red Lions ang Scorpions nga­yong alas-7:30 ng gabi matapos ang upakan ng Go Torakku-St. Clare at CCI-Yengskivel sa alas-4:30 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May 3-0 record ang Marinerong Pilipino-San Beda sa ilalim ng 4-0 marka ng nagdedepensang EcoOil-La Salle, habang dala ng CEU ang 2-1 baraha.

Hangad ng Scorpions na talunin ang Red Lions para mapatibay ang pag-asa sa outright spot sa Final Four.

Sa unang laro, target ng CCI-Yengskivel (1-2) ang kanilang ikalawang panalo kontra sa kulelat na Go Torakku-St. Clare (0-3).

Sakaling manaig ang CCI-Yengskivel sa Go Torakku-St. Clare ay makukuha nila ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Walang tropang masi­sibak matapos ang single-round eliminations kung saan ang top two teams ang bibigyan ng automatic semis berths at ang third at fourth teams ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ bonus sa quarters.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with