^

PM Sports

Jeng’s Had Enough kumaripas

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasikwat ng Jeng’s Had Enough ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race noong Miyerkules ng gabi sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Bago tumawid sa meta ay nagkaroon ng aksidente sa rektahan sa huling 150 metro ng karera.

Habang nasa unahan ang Freedom Rom ay nalaglag ang hinete nitong si RM Adona kaya nagkaroon ng pagkakataon na manalo ang Jeng’s had Enough na nasa segundo puwesto.

Tinuka ng Jeng’s Had Enough ang meta na may da­lawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Golden Jaraywa, tersero ang Galactus, habang tumapos sa pang-apat ang Victorious.

Na puwera sa timbangan ang Free Dom dahil tinawid nito ang finish line nang walang hinete.

Mainit ang bakbakan sa largahan ng Galactus, Victorious at Free Dom, umabot hanggang sa kalagitnaan ng karera ang kanilang tagisan ng bilis.

Papasok ng far turn ay lumapit ang Jeng’s Had Enough sa Galactus, Victorious at Free Dom.

Pagsapit sa huling kurbada ay nasa unahan na ang Free Dom na may dalawang kabayo ang agwat sa Jeng’s Had Enough at ilang hakbang sa rektahan ay umuga ang una, dahilan para malaglag si Adona.

Ginabayan ni jockey Jonathan Flores, inirehistro ng Jeng’s Had Enough ang tiyempong 1:16 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JJ Lorenz III ang P22,000 added prize.

Hinamig ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,500, habang may P1,000 at P500 ang second at third placers, ayon sa pagkakasunod, sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

vuukle comment

RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with