^

PM Sports

Rain or Shine ipipinta ang ika-2 sunod na panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Rain or Shine ipipinta ang ika-2 sunod na panalo
Kagagaling ng Rain or Shine sa unang panalo kontra sa Blackwater, 115-110, tampok ang ba­gong import na si Demetrius Treadwell matapos ang limang sunod na kabiguan upang manati­ling buhay sa kontensyon.
PBA Image

MANILA, Philippines — Matapos makalasap ng unang panalo, hindi na magpapaawat ang Rain or Shine kontra sa NLEX, habang tangka ng San Mi­guel at NorthPort na ma­palawig ang winning streak sa 2023 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magpapambuno ang Elasto Painters (1-5) at Road Warriors (2-4) ngayong alas-4 ng hapon ba­go ang banggaan ng Beermen (3-1) at Batang Pier (4-2) sa alas-8 ng ga­bi.

Kagagaling ng Rain or Shine sa unang panalo kontra sa Blackwater, 115-110, tampok ang ba­gong import na si Demetrius Treadwell matapos ang limang sunod na kabiguan upang manati­ling buhay sa kontensyon.

Sasakay ang mga ba­taan ni coach Yeng Guiao sa momentum ng tagumpay na iyon sa tulong nina Rey Nambatac, Santi Santillan, Andrei Caracut, Gabe Norwood, James Yap at rookie Adrian Nocum.

Kahit may bago ding import na si Stokley Chaffee ay sad­sad sa dalawang sunod na ka­biguan ang Road Warriors, pinakabago ang di­kit na 94-97 pagyukod sa Meralco.

Nakasakay naman sa tatlong sunod na panalo ang SMB kahit wala si seven-time MVP June Mar Fajardo (hand injury).

BASKETBALL

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with