^

PM Sports

Green Archers ‘di pa isusuko ang laban

Nilda Moreno - Pang-masa
Green Archers �di pa isusuko ang laban
Kevin Quiambao had a triple double against NU Saturday night.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Pagkakataon ni Kevin Quiambao na makabawi mula sa nakadidismayang laro niya sa Game 1 para mapahaba nito ang hininga ng De La Salle sa Finals ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament.

Muling haharapin ng Green Archers ang University of the Philippines Fighting Maroons sa Game 2 ngayong alas-4 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Dismayado ang pambato ng DLSU na si Quiambao sa ipinakita nitong performance kaya natambakan sila ng 30 puntos sa unang laro ng kanilang best-of-three series.

“After the game, tala­gang syempre, sobrang nadismaya lalo na sa pi­nakita ko, as in minus-22? Sobrang sama,” ni Quiambao. “May Game Two pa.”

Bawal ng madapa ulit ang Taft-based squad kaya inaasahang gagawin nila ang lahat para makahirit ng do-or-die Game 3.

Nag average si Quiambao ng 16.7 points, 10.9 rebounds, 6 assists at 1.9 steals ngayong season pero sa kanilang talo ay tumikada lang ito ng 11 puntos, anim na boards, tatlong assists at isang steal.

“This coming Game Two, expect n’yo na ibang Kevin Quiambao ang makikita n’yo.” ani Quaimbao.

Bago magsimula ang laban pormal na hihira­nging Most Valuable Pla­yer, (MVP) ngayong season si Quiambao.

Bukod kay Quiambao, makakatuwang nito sa opensa sina Michael Phillips at Evan Nelle.

vuukle comment

KEVIN QUIAMBAO

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with