^

PM Sports

Kai plantsado na ang mga mini camps na sasabakan

Chris Co - Pang-masa
Kai plantsado na ang mga mini camps na sasabakan
Kai Sotto
Instagram / Kai Sotto

MANILA, Philippines — Sasabak pa sa iba’t ibang mini camps si slotman Kai Sotto upang ipagpatuloy ang pangarap nitong makapasok sa NBA.

Nakatakdang magpartisipa ang 7-foot-3 Pinoy cager sa iba’t ibang training camps upang makasama sa Summer League na isa sa mga daan para makapagpasiklab sa harap ng mga NBA coaches.

Kinumpirma ito ng agent ni Sotto na si Tony Ronzone ng Wasserman Media Group

Una nang sumalang si Sotto sa mini camps ng Utah Jazz at Dallas Mavericks.

Dalawang mini camps pa ang inaasahang lalahukan ni Sotto.

“We’re escalating it quickly because we’re trying to get him ready. And again we’re co­ming up soon to two more mini-camps, we got conti­nuous workouts, and we got Summer League,” ani Ronzone sa programang Power and Play.

Matapos nito, ipagpapatuloy ni Sotto ang kanyang ensayo para paghandaan ang Summer League.

“It’s all within the next month,” dagdag ni Ronzone.

Naniniwala si Ronzone sa talento ni Sotto kaya’t hindi malabong maabot na nito ang minimithing makapaglaro sa NBA.

Hawak ni Sotto ang ilan sa mga katangian na maaaring maging armas nito sa pagpasok sa NBA.

Una na ang tangkad nito.

Bigo si Sotto na makapasok sa NBA noong nakaraang taon sa pamamagitan ng draft.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with