^

PM Sports

Perpetual, Letran papasukin ang semis

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Perpetual, Letran papasukin ang semis
Unang sasalang ang Altas kontra sa Gymers sa alas-2 ng hapon bago sumagupa ang Knights kontra sa Scorpions sa alas-4 ng hapon para sa tsansang makaabante agad sa Final Four.
PBA images

MANILA, Philippines — Balak makaulit ng University of Perpetual Help System Dalta kontra sa PSP Gymers habang matamis na resbak ang hangad ng Wangs Basketball @27 Strikers-Letran kontra sa Centro Escolar U sa 2023 PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals ngayon sa Paco Arena sa Maynila.

Unang sasalang ang Altas kontra sa Gymers sa alas-2 ng hapon bago sumagupa ang Knights kontra sa Scorpions sa alas-4 ng hapon para sa tsansang makaabante agad sa Final Four.

Tersera ang Perpetual habang No. 4 ang Letran kaya armado ng twice-to-beat incentives.

Isang subok lang ang kailangan nila upang masundan ang Marinerong Pilipino-San Beda at reig­ning champion na Eco Oil-La Salle sa semifinals.

Nakasikwat ng diretsong tikets sa semis ang San Beda at La Salle bilang Top 2 seeds.

Paborito ang Perpetual matapos ang 93-82 pana­lo kontra sa PSP noong elimination round habang ang Letran ay bigo kontra sa CEU sa overtime, 92-85, kaya determinadong makabawi.

“We’re not looking for that twice-to-beat advantage. I’m telling my players na hindi namin pwedeng bigyan ng chance ‘yung PSP na puro veterans. We need to get the win on Tuesday,” ani coach Myk Saguiguit ng Altas.

“It’s a good opportunity for us to bounce back against CEU. We’re ready for the Scorpions. Walang sukuan dahil playoffs na’to,” ani naman ni coach Rensy Bajar ng Letran.

Bagama’t kailangan ng dalawang panalo upang makaabante, hindi basta basta susuko ang CEU at Gymers.

“We have to embrace the challenge in front of us. It’s not going to be easy but we will be there competing and giving our best against Letran,” ani Scorpions coach Jeff Perlas.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with