^

PM Sports

Ratsada sa Hangzhou?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Muling sumigla at lumakas ang “women power” ng Philippine sports.

Pinahupa ni Alex Eala ang kanyang sadsad at hinugot ang ikatlong ITF championship nang ikumpleto ang title run sa Yecla, Spain noong nakaraang araw.

Kasabay nito sa New Jersey sa United States ay kumana ng Top 10 finish si Fil-Japanese golfer Yuka Saso  sa Mizuho Americas Open at nagbulsa ng $70,463 cash prize.

Parehong matagal nanamlay ang laro ng dalawa bago muling uminit at umukit ng magandang showing.

Sana magpatuloy ang ratsada ng dalawa, lalo na si Eala patungo sa kanyang kampanya sa Hangzhou Asian Games sa Setyembre.

Mabigat ang laban dahil world power na rin ang mga pambatong tennis players ng Japan, China at South Korea.

Pero puwedeng pa­nga­rapin ang podium finish.

At nariyan din ang mga panlaban nating women weightlifters.

Sasabak ang Team Phl sa Hangzhou Asiad galing sa four-gold showing sa nakaraang Asiad sa Palembang at Jakarta kung saan pawang babae ang nag-deliver ng panalo — Saso sa golf, Hidilyn Diaz sa weightlifting at Margielyn Didal sa skateboarding.

Siguradong mas ma­lakas ang Team Phl ngayon kung sasalang din sa laban sina world champion gymnast Caloy Yulo at World No. 3 pole vaulter EJ Obiena.

vuukle comment

ALEX EALA

WOMEN

YUKA SASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with