^

PM Sports

Celtics dumikit na sa Heat!

Pang-masa
Celtics dumikit na sa Heat!
Ang pagdiriwang ni Derrick White ng Celtics matapos isalpak ang kanyang tres laban sa Heat sa Game 5 ng Eastern Conference finals series.

BOSTON —  Kumana si Derrick White ng 24 points, tampok ang anim na three-pointers, at dinomina ng Celtics ang Miami Heat, 110-97, sa Game Five para sa 2-3 agwat sa kanilang Eastern Conference finals series.

Umiskor si Marcus Smart ng 23 points bukod sa limang steals habang may tig-21 markers sina Jayson Tatum at Jaylen Brown para sa ikalawang sunod na ratsada ng Boston sa serye.

Hawak ang 3-2 bentahe, may tsansa pa rin ang Miami na umabante sa NBA Finals kung mananalo sa Game Six bukas sa kanilang balwarte.

Wala pang koponan sa NBA history na nakabalik mula sa 0-3 deficit para ipanalo ang anumang serye.

Nagsalpak ang Celtics ng kabuuang 16 triples para muling pigilan ang Heat.

“Tonight we were the tougher playing team,” sabi ni Brown sa Boston. “We set the tone from start to finish.”

Pinamunuan ni Duncan Robinson ang Miami sa kanyang 18 points habang may 16 at tig-14 markers sina Bam Adebayo, Jimmy Butler at Caleb Martin, ayon sa pagkakasunod.

Ang matinding depensa ang Celtics ang pumuwersa sa Heat sa 16 turnovers.

Nagtayo ang Boston ng 20-point lead sa first half hanggang ibaon ang Miami sa 96-72 sa fourth quarter.

Nakaapekto rin sa opensa ng Heat ang hindi paglalaro ni point guard Gabe Vincent na nagkaroon ng sprained left ankle sa Game Four.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with