^

PM Sports

Bulls, Heat pag-aagawan ang No. 8 berth sa playoffs

Pang-masa
Bulls, Heat pag-aagawan ang No. 8 berth sa playoffs
Halos madapa si Zach Lavine ng Bulls matapos lusutan si O.G. Anunoby ng Raptors sa kanilang play-in game.

TORONTO — Kumamada si Zach LaVine ng 39 points habang may 23 markers si DeMar DeRozan para igiya ang Chicago Bulls sa 109-105 pagpapatalsik sa Raptors sa play-in tournament game.

Humakot si center Nikola Vucevic ng 14 points at 13 rebounds para sa pagbangon ng Chicago mula sa 19-point deficit sa third period.

Sasagupain ng Bulls ang Miami Heat para sa No. 8 seat sa Eastern Conference playoffs at ang mananaig ang haharap kay Giannis Antetokounmpo at sa Milwaukee Bucks sa first-round series.

Tumipa si Fred VanVleet ng 26 points at 12 rebounds at may 32 mar­kers si Pascal Siakam sa pagtatapos ng season ng Raptors.

Kinuha ng Toronto ang 66-47 abante sa third quarter kasunod ang pag-iskor ni LaVine ng 17 points sa nasabing yugto para idikit ang Chicago bago humataw ng 13 markers sa fourth period.

Sa New Orleans, isang go-ahead baseline jumper at apat na free throws ang ipinasok ni Shai Gilgeous-Alexander sa huing 29 segundo para sa 123-118 pagsibak ng Oklahoma City Thunder sa Pelicans sa Western Conference play-in tournament.

Lalabanan ng Thunder ang Minnesota Timberwolves para sa No. 8 spot at ang mananalo ang tatapat sa No. 1 Denver Nuggets sa NBA playoffs first-round series.

vuukle comment

CHICAGO BULLS

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with