Lakers inagaw ang No. 7 sa West playoff race
MINNEAPOLIS — Iniskor ni Anthony Davis ang 17 sa kanyang 38 points sa fourth quarter at humakot ng 17 rebounds para igiya ang Los Angeles Lakers sa 123-111 paggupo sa Minnesota Timberwolves.
Nag-ambag si LeBron James ng 18 points at 10 rebounds habang kumolekta si D’Angelo Russell ng 12 points at 10 assists para sa pag-iwan ng Lakers (39-38) sa Timberwolves (39-39) sa No. 7 spot sa Western Conference playoff race.
Ito ang ikaanim na panalo ng Los Angeles sa huli nilang pitong laban.
Tumipa si Mike Conley ng 25 points at 7 assists kasunod ang 23 markers ni Karl-Anthony Towns para sa Minnesota na nahulog sa ninth place.
Sa San San Francisco, nagsalpak sina Stephen Curry, Klay Thompson at Jordan Poole ng pinagsamang 20 triples sa 130-115 panalo ng Golden State Warriors (41-37) sa San Antonio Spurs (19-58).
Sa Memphis, nagtala si Desmond Bane ng 22 points at may 17 markers si Luke Kennard sa 108-94 pagdakma ng Grizzlies (49-28) sa Los Angeles Clippers (41-37).
Sa New York, nagpasabog si Mikal Bridges ng 42 points sa 124-107 pagdaig ng Brooklyn Nets sa Atlanta Hawks (38-39).
Sa Cleveland, kumamada si Jalen Brunson ng career-high na 48 points sa 130-116 tagumpay ng New York Knicks (45-33) sa Cleveland Cavaliers (48-30).
Sa Philadelphia, nagsampay si Joel Embiid ng 25 points at 12 rebounds sa 117-110 panalo ng 76ers (51-26) sa Toronto Raptors (38-39).
- Latest