^

PM Sports

‘Iron Man’ may pinagdaraanan

John Bryan Ulanday - Pang-masa
�Iron Man� may pinagdaraanan
Ang magilas na paglalaro ni LA Tenorio para sa Barangay Ginebra.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Isang pambihirang laban ang nakatakdang harapin ngayon ni “Iron Man” LA Tenorio.

Sa isang emosyonal na pahayag kahapon, mismong si Tenorio ang nagpahayag na umiinda siya ng Stage 3 colon cancer na dahilan ng kanyang hindi paglalaro sa nakalipas na buwan para sa Barangay Ginebra sa 2023 PBA Governors’ Cup.

“I was recently diagnosed with Stage 3 colon cancer,” pag-amin ni Tenorio na umani ng suporta at panalangin mula sa mga kapwa players, c­oaches, teammates at fans sa pinakamalaking laban na kanyang sasagupain.

“The initial testing three weeks ago led me to instantly miss practices and games. I have completed my surgery last week and will soon undergo treatment for the next few months.”

Sa simula nitong buwan ay nauna nang lumiban si Tenorio dahil sa aniya’y aggravated sports hernia injury.

Dahil dito ay nag-wa­kas ang kanyang makasaysayang streak ng paglalaro sa PBA sa 744 na sunod na games sa loob ng 17 taon.

Ang pambihirang streak ni Tenorio, sa likod ng maayos na panganga­laga sa katawan, ang dahilan kaya nabansagan siyang Iron Man simula nang pumasok sa PBA noong 2006 bilang No. 4 overall pick ng San Miguel bago mapunta sa Alaska at sa Ginebra.

Subalit hindi nagkukulang sa pananampalataya at pag-asa ang 38-anyos na guwardiya na tulad ng kanyang mga daan-daang laban ay kaya niya rin ma­ipanalo ang pinakamahi­rap na duwelong ito.

vuukle comment

LA TENORIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with