Grizzlies pinapak ang Mavericks
MEMPHIS, Tennessee, Philippines — Nagsalpak si Jaren Jackson Jr. ng 28 points, kasama ang isang layup sa huling 17 segundo para sa 112-108 panalo ng Grizzlies sa Dallas Mavericks.
Nagbalik si Ja Morant sa bench ng Memphis (44-27) matapos ang eight-game league suspension.
Umiskor si Santi Aldama ng 22 markers at may 17 points si Desmond Bane para sa ikaanim nilang panalo sa huling pitong laro.
Pinamunuan ni Kyrie Irving ang Dallas (36-36) sa kanyang 28 points, ngunit naimintis ang walo niyang tira sa fourth quarter kung saan umiskor lamang sila ng 12 points.
Sa Salt Lake City, humataw si Ochai Agbaji ng career-high na 27 points tampok ang anim na triples para sa 128-120 pagdaig ng Utah Jazz (35-36) sa Sacramento Kings (43-28).
Sa Houston, kumonekta si Stephen Curry ng 30 points at may 29 markers si Klay Thompson sa 121-108 paggiba ng Golden State Warriors (37-36) sa Rockets (18-54).
Sa Philadelphia, naitarak si Zach LaVine ng 26 points kasunod ang 25 markers ni DeMar DeRozan sa 109-105 double overtime win ng Chicago Bulls (34-37) sa 76ers (48-23).
- Latest