^

PM Sports

Patong Patong haharurot sa Classic Cup race

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtatapat sa pista ang dalawa sa magagaling na kabayo sa bansa na Patong Patong at Magtotobetsky sa magaganap na 2023 PHILRACOM “Classic Cup’ Division II sa dara­ting na Sabado sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Paniguradong mapapalaban ang Patong Patong at Magtotobetsky kontra sa limang tigasing kabayo sa distansyang 1,800 meter race.

Ipamumudmod ang garantisadong premyo na P750,000 sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay ang Blackburn, Fortissimo, La Vie D’Or, Shi­ning Vic at Work Bell.

Sasakyan ang Patong Patong ni jockey Jomer Estorque habang si Jeffrey Bacaycay ang gagabay kay Magtotobetsky sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Kukubrahin ng mana­nalong kabayo ang P450,­000, mapupunta ang P150,000 sa second placer, kukubrahin ng third ang P75,000 habang sisikwatin ng 4th, 5th at 6th ang tig-P37,500, P22,500 at P15,000 ayon sa pagkaka­sunod.

Ibubulsa rin ng bree­der ng winning horse ang P37,500 habang tig- P22,500 at P15,000 ang second at third. (NM)

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with