^

PM Sports

C-Stan, Hollis-Jefferson bumida sa PBA race

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namumuro sina Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra at Rondae Hollis-Jefferson ng TNT Tropang Giga sa Best Player of the Conference at Best Import race ng 2023 PBA Governors’ Cup.

Kumubra ng 42.8 statistical points (SPs) si Standhardinger sa likod ng kanyang mga ave­rages na 22.9 points, 10.2 rebounds at 6.0 assists para sa liderato ng BPC para sa season-ending tournament.

All-around din ang re­histro ni Hollis-Jefferson na 31.0 points, 12.0 rebounds, 5.8 assists, 2.4 steals at 1.0 block para sa 59.0 SPs sa Best Import derby.

Sa pagkakaroon ng injury nina Japeth Aguilar at LA Tenorio ay kay Standhardinger sumandal ang Ginebra at hindi naman sila nagkamali nang makapasok sa semifinals matapos ang 127-93 panalo sa NLEX sa quarterfinals.

Sumusunod kay Standhardinger sa BPC race sina CJ Perez (39.3) at June Mar Fajardo (37.6) ng San Miguel na makakatapat ng Ginebra sa semis habang kinumpleto nina Calvin Oftana (36.1) at Roger Pogoy (35.8) ng TNT ang Top 5 candidates.

Swak din sa Top 10 sina Jamie Malonzo (33.5) ng Ginebra, Juami Tiongson (33.3) ng Terrafirma, Maverick Ahanmisi (33.27) ng Converge, Calvin Abueva (32.6) ng Magnolia at Mikey Williams (32.5) ng TNT.

Sa Best Import ay sumusunod kay Hollis-Jefferson si Jamaal Franklin (56.0) ng Converge, Antonio Hester (56.0) ng Magnolia, Kevin Murphy (53.3) ng NorthPort at Cameron Clark (51.7) ng San Miguel.

Ikaanim si reigning Best Import at Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee ng Ginebra hawak ang 51.5 na SPs.

Inaasahang magbabago pa ang karera sa dalawang awards papasok sa Final Four ng Govs’ Cup kung saan inaabangan ang matinding bakbakan para sa kampeonato ng PBA.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with