^

PM Sports

C-Stan vs CJ

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kung ngayon na ang balloting para sa PBA Go­vernors’ Cup Best Player of the Conference award, malamang na hands-down winner si Ginebra center Christian Standhardinger.

Pero dahil siya ang stats race leader at pasok na sa semis ang mga Gin Kings, solido na rin talaga ang tsansa ni C-Stan na humugot ng ikalawang career BPC award.

At kung mangyayari nga ito, ang ganda ng rumble para sa season MVP award — three-way fight na kasasangkutan nina C-Stan, reigning MVP Scottie Thompson and six-time winner June Mar Fajardo.

Pulling away si C-Stan sa stats race sa season-ending conference dahil hindi nagpabaya at inangat ang kanyang laro sa absence ni injury-hit frontcourt partner Japeth Aguilar.

Halos double-double ang averages ng Fil-German center na malaking buhat ang ibinigay sa Ginebra sa kanilang 8-3 showing sa elims kasunod ang pagpapadapa sa NLEX Road Warriors para sa quick passage sa semifinals.

Iyon nga lamang, higanteng laban sa Final 4 ang naghihintay sa Gin Kings.

Sasagupain nila ang San Miguel Beermen na pangungunahan ni CJ Perez — explosive scorer na pinakadikit na kalaban ni C-Stan para sa BPC award.

Duwelo ito ng current Philippine Cup champ at Commissioner’s Cup titlist.

Iba nga lamang ang landscape dahil nagpapaga­ling ng injuries ang mga key players na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at LA Tenorio.

Ganoon pa man, nakikita pa rin ito na isang dream showdown.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with