^

PM Sports

Cool Smashers, Titans sasarguhin ang win No. 2

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapatatag ang kapit sa liderato ang hangad ng Creamline at Choco Mucho sa pagsagupa sa magkaibang laban ngayong araw sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Cool Smashers ang Cignal HD Spikers sa alas-4 ng hapon kasunod ang pagsabak ng Flying Titans kontra sa Reinforced Conference champion Petro Gazz sa alas-6:30 ng gabi.

Nananatiling malakas ang Cool Smashers sa kabila ng pagkawala ni top hitter Alyssa Valdez na nagpapagaling pa sa kanyang knee injury.

Mabilis na pinataob ng Cool Smashers ang Gazz Angels, 25-18, 25-20, 25-22, sa kanilang unang laro noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Balik sa starting lineup si opposite hitter Michele Gumabao na agad na nagpasabog ng 13 puntos kontra sa Gazz Angels.

Hataw din si middle blocker Ced Domingo na may sariling 13 hits gayundin si two-time MVP Tots Carlos na may 11 markers at Pangs Panaga na nagdagdag ng 10 points.

Nariyan pa si Jema Galanza na nagbigay ng solidong kontribusyon habang matinik pa rin si playmaker Jia Morado na siyang nagmamando sa plays ng Cool Smashers.

Nais naman ng Cignal na makabawi matapos yumuko sa kanilang unang laro kontra sa Chery Tiggo noong Martes.

vuukle comment

COOL SMASHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with