^

PM Sports

Selden ibabandera ng NLEX vs Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabigat na pressure ang dadalhin ng bagong import na si Wayne Selden para duplikahin ang i­binigay na 4-0 record ni Jonathon Simmons sa NLEX.

Isasalang ng Road Warriors ang NBA ve-teran na si Selden laban kay Justin Brownlee at sa nagdedepensang Ginebra Gin Kings ngayong alas-5:45 ng hapon sa 2023 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

“Nakita naman natin how Simms plays. From what I know, si Wayne is a scorer. But with a­nother game on Wednesday against Ginebra, we will give him a crash course on how we run things,” sabi ni NLEX coach Frankie Lim.

Ang 6-foot-5 na si Selden ay naglaro sa NBA para sa Memphis Grizzlies, New Orleans Pelicans, Chicago Bulls at New York Knicks at kumanpanya rin siya sa Israel, Turkey at Italy.

Magkakasosyo sa liderato ang Converge, NLEX at San Miguel sa kanilang magkakatulad na 4-0 record kasunod ang Ginebra (1-0), TNT (3-1), Meralco (3-1), Terrafirma (1-2), Blackwater (1-3), Phoenix (1-4), Magnolia (0-3), Rain or Shine (0-4) at NorthPort (0-4).

Nagmula ang NLEX sa 98-94 pagtakas sa Phoenix habang tinalo ng Ginebra ang Rain or  Shine, 116-108, sa kanilang u­nang laro.

Sa alas-3 ng hapon naman magtutuos ang FiberXers at Tropang Giga na parehong nanggaling sa panalo.

Kinuha ng Converge ang 112-98 panalo sa Rain or Shine noong Pebrero 2 at pinadapa ng TNT ang Magnolia, 93-85, para sa kanilang ikalawang sunod na pananalasa.

 

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with